Tagalog Sex Stories - "Sana Akin Ka Na Lang" Part 17

Chapter III: Multo ng Kahapon

Maaga pa kinabukasan ay umalis na kami sakay ng mga inarkila nilang van sa lugar na iyon. Sa likod ay magkatabi kami ni Joan at panay ang kantiyaw nila sa amin. Sa loob ng dalawang oras na biyaheng tuloy- tuloy ay nakaakbay ako kay Joan at nakayakap siya beywang ko at nakasandal ang ulo niya sa balikat ko kaya sobrang enjoy ko ang biyahe. Ito na yata ang pinakamaligayang travel na naranasan ko sa buong buhay ko.

Nahalikan ko sa labi si Rhea sa sobrang tuwa ko sa kanya pagkahatid ko sa kanya sa bahay nila.

“Yakss ka naman eh kadiri ka animal ka talaga.” Habol niya sa akin ng hampas at binato pa niya ako ng sapatos niya pero tinakbuhan at tinawanan ko lang siya.

“Thank you best, the best ka talaga. Bukas ililibre kita ng lunch one week sa jollibee.” Sigaw kong paalam sa kanya.

Alam niyang walang malisya ang halik ko sa kanya, natutuwa lang ako dahil siya ang rason kung bakit  ko nakilala si Joan at sobrang tuwa ako. Ewan ko ba kung bakit pagdating kay Rhea ay wala akong madamang malisya sa kanya. Minsan nga naabutan ko pa siyang nagsusuot ng panty sa kuwarto niya pero tinawanan ko lang siya at hindi ako tinablan. Samantalang sa iba makita ko lang ang hita nakatayo na agad si manoy ko.



“Rhea tignan mo naman ako kung okay na ang porma ko. Rhea pansinin mo naman ako.” Sigaw ko sa aking bestfriend isang hapon na naggagayak ako para manligaw kay Joan sa bahay ng kapatid niya.

Sa totoo lang ay kabadong-kabado ako first time kung umakyat ng ligaw pero kailangan kong tibayan ang loob ko para mapasa akin si Joan. Alam ko at ramdam ko na may katugon ang damdamin ko sa kanya. Kailangan ko lang gawin yong bahagi ko  para mabuo ang inaasam kong relasyon sa aming dalawa.

“Asus, guwapo ka na, parang wala kang tiwala sa hitsura mo. Bilang babae, I say makalaglag panty ka.” Sabi sa akin ni Rhea habang inaayos niya ang kuwelyo ko.

“Hmmm, ibig mong sabihin nalalaglag pala ang panty mo sa akin ha. Umamin ka, nakikitabi ka pa naman sa akin sa pagtulog yon pala may lihim kang pagnanasa sa akin. Siguro pinaplano mong gahasain ako ano? Umamin ka Rhea.” Pang aasar ko sa kanya na agad naman niyang binara.

“Ngek, pagnanasang patayin oo. Hindi kita type ang yabang mo. Mabasted ka sana.” Sigaw niyang ganti sa akin dahil lumalabas na ako ng pintuan.

“Bye sixy, ilock mo ang pinto bago ka umalis ha. Wish me luck.” Sigaw ko sa kanya pagsakay ko sa motor ko sabay harurot patungo sa bahay nila Joan.

Alas siyete ng gabi ng nakatayo ako sa harapan ng bahay ng ate ni Joan at tumutuktok ako. Isang magandang babae ang nagbukas para sa akin at halos mashock ako sa nabungaran ko. 

 “Weng, anong ginagawa mo dito?” gulat din ang babaeng nagbukas sa akin ng pintuan. Hindi makapaniwala ang kanyang magandang mukha.

Kung kanina’y kinakabahan ako ngayon naman ay nagtataka ako kung bakit nandito si Ate Novy. Halos apat na taon din namang hindi ko siya nakita. Siya yong babaeng pinag ukulan ko ng unang pagmamahal kahit bawal at siya din yong babaeng unang nagpalasap sa akin ng langit. Ang ganda pa rin niya at parang walang nabago sa itsura niya, sixy at magandang- maganda pa rin.

“Eh, magandang gabi ate, aakyat sana ako ng ligaw.” Sabi ko sa kanya na naklimutan ko ng batiin man lang sana siya o kumustahin siya.

“Kanino sa akin o sa kapatid ko. Kasi dalawa lang naman kaming babae dito at lalake naman ang ko.” Tanong niya sa akin na ipinagtaka ko dahil parang may bahid ng galit ang kanyang pagkakasabi.

“Ate ako ang sadya niya dito.” Biglang nagsalita si Joan sa likod ni Ate Novy.

Pinatuloy ako ni Joan at pinaupo sa sopa at nakita kong nagdadabog na umalis ang ate niya sa harapan namin. Maya- maya pa ay muling lumabas ito at may kasamang bata na sa tantiya ko ay nasa tatlo hanggang apat na taon pa lamang. Cute ang bata pero hindi siya kamukha ng nanay niya. Parang ewan ko, pareho kami ng mata at bibig.

Ang lakas ng tibok ng puso ko sa mga sandaling iyon at hindi ko maalis ang paningin ko sa batang iyon na nakakapit sa palda ng nanay niya habang naghahanda ng meryenda ito. maliit lang ang tirahan nila kaya kita ko ang ginagawa ng ni Ate Novy sa kusina lalo na ang batang kanina pa tumatakbo sa isipan ko.

No comments:

Post a Comment