Tagalog Sex Stories - "Gusali" Part 4

Part 4 Honeymoon

"thank you po ma'am, sir..." ani manong photographer nang matapos kaming kuhanan ng litrato.

"...guys enjoy the night, I will leave you for a while muna ha, kailangan pa daw ng pics..." paalam naman ni Kat kasama ng kanyang asawa.

Muli kong nilagyan ng isang maliit na bloke ng yelo ang aking baso, kasunod nito ang alak na ang halimuyak ay tila kumikiliti pa sa aking pang-amoy. Sa ilang sandali habang abala ang ilan sa pagku-kwentuhan ay nagkaroon ako ng pagkakataong makapag-isip o mag muni-muni.


Hindi ko pa rin mawari kung ang lahat ba ng mga kilos ni Carina ay gawa-gawa lamang o di kaya nama'y sadyang katotohanan. Naka move-on na nga kaya ang dalaga? Paen ba niya ito sa akin upang muli kaming magka-balikan? Masayang isipin, masaya at nakaka-antig ng damdamin kung kami'y muling magkaka-balikan at ang dati naming gawi kasama ang aking asawa'y magiging maguli. Ganunpaman, isang sulok ng aking memorya ang tila sumisipa at pinapaalalang siya ang babaeng umipot sa aking bumbunan. Ganun din ang mga nasabi ko kay Alex na ang lahat ng ito'y lipas na.

"Bogs, okay ka lang?" biglang bati sa akin ni Angel.

"ah oo, why?"
 sagot ko naman kaagad sa kanya.

"looks like you are not okay, may problema ba?" bulong ni misis sa akin.

"no, wala naman. I'm fine. baka itong alak lang, medyo matagal na din kasi akong 'di nakakainom diba?" palusot ko nalang.

Alam ko na ang mga palusot at mga tanong na palitan namin sa isa't isa ng aking asawa'y para sa mga taong nasa paligid namin. Sigurado akong alam niya ang aking nararamdaman, at kung kami lang ang magkasama noon ay tiyak na ilalahad niya ang kanyang mga nalalaman.

"mukhang mali ang pagkakahalo ng mga nakain ko at nitong alak, medyo kumukulo na tiyan ko hehe...excuse me guys, CR lang ako"paalam ko sa lahat.

"are you sure kaya mo? nakarami kana yata e?" pahabol pa ni misis.

"I'm fine babe, balik din ako"
 sambit ko pa bago ako tumayo.

Sa gilid ng aking mata'y nakikita ko si Carina, ni hindi siya sumulyap sa akin bago ako umalis. Abala siya sa kanyang nobyo na ngayon lang din namin nakita. Si Alex nama'y busy din sa kanyang cellphone, tila seryoso sa pagte-text o kaya naman ay sa status updates niya sa facebook.

Naghilamos ako sa loob ng palikuran. Doo'y nilinis ko ang aking mukha, pinababa panandalian ang namumuong tama ng alak. Pagtingin ko sa salamin nakita ko ang aking sarili, sinuri ko at tila kinausap ang aking repleksyon.

"ano papatawarin ko na ba siya?"
 tinig ng aking isipan.

"nagseselos ka lang, kaya mo yan, iba nalang" sabat naman ng boses sa aking bumbunan.

Naisip ko, kayang-kaya kong makuhang muli si Carina. Malaki ang tiwala ko sa aking sarili na isang iglap lang ay mapapasaaking muli ang dalaga. Alam ko at sigurado akong hindi siya seryoso sa kasintahan niya, na palabas lamang niya ito.

"chick yung isa no? kaso may bantay na hahaha!" narinig kong usapan ng ilang kalalakihang bisita pagpasok nila sa banyo na aking kinaroroonan.

"...ah yung bride's maid ba? matagal ko na ngang crush yun e!" sabat pa nung isa.

Malinaw na ang pinag-uusapan nila'y si Carina. Si Carina ko. Bago ko pa mapagsabihan ang mga kolokoy na sa tingin ko'y kakilala ni Mulong, inawat na ng aking isip ang aking sarili.

"relax Bogs, hindi mo syota si Carina, hindi mo tungkulin at obligasyon yan" 
sabi ng aking isipan.

Tama naman, sino nga ba ako para kay Carina sa mata ng publiko? Pero sa kabilang banda, natuwa rin naman ako. Mantakin nyo, walang pagbabago sa itsura ni Carina, lalo pa nga siyang gumanda e. Yung tindig ng mga suso niya sa suot niyang gown e perpekto ang pagkakalapat. Inisip ko nalang na mas lamang ako sa mga naglalaway na kalalakihan, at least ako, matagal ko na siyang natikman.

"uy, hi." matipid na bati ng dalaga na nakasalubong ko sa hallway patungo sa mga banyo.

"hi" sagot ko naman.

Alam ko nahimasmasan na ako sa tama ng alak, pero nanatiling tikom ang aking bibig at tila nakatali ang aking dila. Ilang saglit pa bago ako nakapag-salita. Hindi ko alam kung ako ba'y namangha sa taglay niyang ganda noong gabing iyon o sadyang pinipilit ng aking isipan na huwag na siyang kausapin man lang.

"okay ka lang ba kuya Bogs?"
 muli niyang wika.

"yeah I'm fine Carina" sagot ko na sa kanya.

Sinuklian niya ako ng isang maliit na ngiti na nagmula sa mapupula niyang labi. Kakagat na sana ako sa kanyang paen nang biglang may umentra sa aming pagitan.

"excuse me, dito ba yung comfort room?" sabat ng isang babae.

Ang atensyon ko'y kaagad nabaling, natuon ang aking pansin sa babaeng mala-anghel ang dating. Sigurado na wala na akong tama at hindi na lasing, alam kong may ibubuga ang kartada ng babaeng nagtanong sa amin.

"oh yes, yung door sa kaliwa"
 sagot ni Carina.

"thank you!" 
sagot nung babae sa kanya.

Sigurado akong napansin ni Carina ang pagka-mangha ko sa magandang dalaga. Gaya ng sabi ko dati pa, kung kabisado ko siya ay mas kabisado niya ako. Alam ni Carina kung kelan titigas ang aking titi at kung kailan ako nabibighani. Muli ay napangiti na lang sa akin si Carina.

"ikaw talaga, magbago kana kuya..." pahaging pa ni Carina bago siya tumalikod ngunit pinigilan ko siya.

"sandali Carina..." sabi ko sabay hawak sa malambot niyang braso.

"yes?" sagot ng dalaga.

"kumusta kana?" tanong ko sa kanya.

"well, as you can see, I'm fine and happy" tugon sa akin ng kaibigan ni hipag.

"ikaw?" patuloy pa niya.

"uhm, okay lang din...so, uhm, he's lucky" pasaring ko.

Ngumiti lang siya ulit at hindi na sinagot pa ang aking tanong. Siguro yun ang tangi niyang maisasagot sa halip na "kalimutan na natin 'yon". I respect her, kung tutuusin dapat nga maging masaya na din ako para sa kanya tulad ng sa kapatid ng aking asawa.

"oh, speaking of him..."
 sabay nguso niya sa kanyang katipan na papunta rin sa banyo.

"here you are..."
 wika ni Cid, kasunod ang isang matamis na halik sa pisngi ni Carina.

"hey sir Bogs...I heard you're a good architect, madalas ka sa akin i-kwento ni Carina, we are planning to buy a lot kasi and probably build a house." wika ni Cid.

"..our house?" sabat ni Carina.

"of course baby!"
 matamis na balik ng lalake.

Namputsa. Baby pa ang tawagan nila, parang noong nakaraang buwan lang e yun din ang tawag namin sa isa't isa. At hindi lang yun, may plano na sila na magpatayo ng bahay, may future. Doo'y medyo bumaling sa isang side ang aking hinala, maaaring seryoso na nga si Carina sa kanyang nobyo at kailangang umiwas na talaga ako.

"maiwan ko muna kayo guys, CR lang ako" wika ni Carina.

"oh no, sige lang Cid, babalik na din ako sa table" sagot ko naman.

Alam kaya ng asawa ko ito? Alam kong may karapatan pa rin siguro si Angel bilang kaibigan ni Carina upang magpayo. Parte ba ito ng mas malalim pang pagsubok? Tila lalo pa akong lumutang sa kalasingan pabalik ng aming lamesa kakaisip sa aking nasaksihan.

"babe, okay lang ba sa room na natin patulugin si Alex?"
 bungad sa akin ni misis.

"oh sure, I mean why?" sagot ko.

"hindi ko naman papayagang ihatid mo siya ngayon noh" 
patuloy ng aking asawa.

Ako'y kinabahan sa sinabing iyon ni Angel. Bakit hindi siya papayag na ihatid ko si Alex, e dati ko naman itong ginagawa sa kanya? Napalunok ako ng laway. Mukhang may nilalaman ang mga sinabing iyon ni misis.

"bakit naman?"
 tanong ko pa.

"hello? okay ka lang ba Bogs? halos ikaw nga naka-ubos nitong bote ng alak oh? I wouldn't dare na payagan kang magmaneho...besides, malaki naman yung hotel room para sa atin" paliwanag ni Angel.

"ah ganun ba, hehe..."
 biro ko nalang.

Naalala ko na mula noong naibangga ko ang aking sasakyan noong nalasing ako't nag-away kami ni Carina, mula noo'y hindi na ako pinayagang magmaneho pa ni Angel tuwing kami ay iinom.

"naku ate, nakakahiya naman, magta-taxi nalang ako...makaka-istorbo pa ako sa second honeymoon nyo hihi!" biro pa ng dalaga.

"ano ka ba, kung honeymoon lang e kahit araw-araw pwede sa amin sa condo hahaha!" biro pa ni Angel sa kasamahang dalaga.

"so I guess pwede pa akong uminom pa? wala naman palang honeymoon mamaya hehe!"
 biro ko naman.

"sira ka babe! haha!" masayang tugon ng aking asawa.

Sa muli kong pag-tagay, nakita kong muli di kalayuan ang babaeng maganda na nagtanong sa amin kanina. Hindi ko siya kilala at hindi ko alam kung sino ang kasama niya, sigurado akong hindi siya kamag-anak ng aking asawa. Pasimple ko siyang pinagmasdan, siniyasat ang bawat kurbada ng kanyang katawan. Lalo akong nabighani nang ngumiti siya at tila may kakausapin. Malalaman ko na sana kung sino ang kanyang kasama nang biglang humarang sa eksena ang magsyota.

Daig pa ang sawa kung maka-lingkis itong si Carina sa kanyang nobyo. Ano ba 'to, nagseselos na naman ako.

"sweet nila 'noh?" sabat ni misis.

"bakit ate, ganyan din ba kayo ni kuya noong mag-BF/GF palang kayo?"
 wika naman ni Alex.

"..well until now syempre...diba babe?" 
malambing na sagot ni misis.

Natapos ang gabi, unti-unti nang nagsisi-uwian ang mga bisita. Halos nakalahati ko pa nga yung isa pang bote ng alak bago ako inawat ng aking asawa.

"hoy Bogart, tigilan mo na nga yan...Alex, favor naman, pwede ba paki-alalayan mo naman yang kuya mo papunta sa room" habilin ni misis kay Alex.

Sa aking pagkaka-alala, karga noon ng aking asawa ang aming anak na tulog na, at ang alam ko'y naka-akbay ako kay Alex mula sa elevator hanggang sa pintuan ng aming silid. Amoy na amoy ko ang pabango noon ni Alex, bagay na nagpalibog sa akin noong gabing iyon. Madaling araw na nang ako'y muling magka-malay, sa isang sofa ako nakahiga at tanging shorts na lamang ang aking saplot.

"shhhh...huwag ka maingay..."
 sabi sa akin ng isang babae.

Madilim noon, patay ang ilaw. Ang alam ko lang ay nagising ako sa tigas ng aking titi na hawak ng malambot na palad.


itutuloy

No comments:

Post a Comment