Tagalog Sex Stories - "HOTEL" Part 8

Part 8 Mapaglarong Tadhana

Nagtama ang aming mga mata ng dalagang si Regina, hindi ko pa rin maalala kung bakit siya nagtext sa akin kagabi. Ang alam ko talaga ay panaginip lang ang lahat at ito'y pinatunayan naman ng aking hipag kagabi. Hindi naghiwalay ang aming pagtitigan ni Regina na tila may gusto kaming iparating sa isa't isa hanggang sa naputol lamang ito nang may nag-doorbell sa amin.

"yaya paki bukas" utos ko pa.

"hello!" bati ng masayang dalaga.


Si Vanessa ang kumatok at nakisali sa paglalaro ng aking anak. Kita ko sa mga kilos ni Vanessa na tuluyan na nga siyang naka-recover mula pang-iiwan sa kanya, at pang-dodonselya sa kanya ng dating kasintahan. Halos magbago na ang aking isipan kung ako'y papasok pa ba o hindi na. Hindi ko naman na ito pinuna dahil baka biglang magbago pa ang dalaga.

Hindi na ako kumain pa at nagdesisyon na lamang na sa labas na kumain ng tanghalian. Naligo ako at dahil sa hindi naman kalakihan ang aming unit, talagang makikita ng sinuman ang lalabas ng banyo kapag sila ay nasa sala, kung saan naroon ang dalawang dalaga at ang aking anak. Si yaya naman ay abala sa gawaing kusina.

"wow macho hihi!" biro ni Regina ng ako'y lumabas ng banyo na nakatapis lamang.

Tanging ang tuwalya lamang ang saplot ko sa aking katawan na nakatapis sa king ibaba. Alam ko namang palabiro at very "open" sa ganitong biruan ang dalagang si Regina. Ngunit ang umagaw ng aking atensyon ay si Vanessa. Mula noong una ay tahimik si Vanessa, na sa huli'y nalaman ko na ang dahilan ay ang pag-iwan sa kanya ng BF nya. Noong tanghaling iyon ay tila nanlaki ang mga mata ni Vanessa at natahimik na kanina lamang ay masayang nakikipaglaro sa bata. Sa isang mabilis na iglap ay nakita kong napatitig siya sa aking tapis, sa banda kung saan nakabukol si junior. Mabilis lang ang pangyayari, iwinaksi niya kaagad ang tingin at ibinaling ang atensyon muli sa aking anak. Habang si Regina naman ay pangiti-ngiti lamang. Hindi ko namang maiwasang hindi tigasan sa mga nangyari, lalo pa't nakapambahay lamang ang dalawa.

Umalis ako ng aming condo na iniisip pa rin ang aking panaginip. Hindi ko maitanggi na gusto ko itong mangyari sa totoong buhay. Dumaan ako sa isang drive-thru upang bumili ng aking pananghalian, habang nasa pila ng sasakyan ay ilang mensahe ang aking natanggap. Una kay Ms. Jean.

"hi sir Bogs! wla p b prject?" text nito.

Nireplyan ko naman siya kaagad at sinabing wala pa akong kailangan sa kanyang inaalok na produkto. Wala namang halong malisya ang aming palitan ng mensahe at tila limot na din niya ang aming nakaraan. Ayos lang naman sa akin iyon dahil hindi naman kawalan sa akin ang dalaga, kung meron mas maganda, pag wala ayos lang ika nga. Sumunod kong natanggap ay ang mensahe naman galing kay Katherine na aking hipag.

"d k man lng ngpaalam hihi, ingat kuya =)" text ng kapatid ni misis.

Alam kong paglalambing lamang niya iyon at hindi ko na binigyan pa ng ibang kahulugan. Sinagot ko ang kanyang mensahe at nagbilin na naroon ang dalawang boarders namin at asikasuhin na din niya. Naalala ko ang dildong nakita ko sa kanilang banyo, baka magkatuwaan ay yayain nila si hipag. Muli, sa pangatlong pagkakataon bago ako umabot sa bintana kung saan oorder ng pagkain, ay nakatanggap ako ng isa pang mensahe. Wala ito sa aking phonebook, samakatuwid ay numero lamang ang lumabas.

"hi kuya, tnx s libre kgabi hihi" text nito.

May kutob na akong si Carina ito, una ay nabanggit na niya noong nagkita kami sa coffee shop na nagpalit na siya ng numero gawa ng iniiwasan na niya si RC. Pangalawa ay siya lang naman ang aming kasama maliban sa aking hipag at sa dalawang dalaga naming boarder.

"bsta ikw mlakas k skin eh, musta?" reply ko.

Ilang minuto ang lumipas at wala akong reply na muling natanggap, nakuha ko na ang aking pagkain at dumiretso na sa aking patutunguhan. Nang makarating naman ako sa aming project ay dumiretso ako sa aking nakalaang silid at temporary office. Habang ako'y kumakain napaisip ako at napagtanto ko na sa isang pagkakataon kanina ay halos sabay-sabay nagparamdam ang mga babae sa aking buhay maliban sa aking mahal na asawa. Mukhang hudyat ito na naglalaro na naman si haring tadhana.

"pumasok kb kuya? Carina nga pla to" text sa akin habang ako'y nagpapahinga matapos kumain.

"oo kkrating k lng, y? somthng wrong?" reply ko sa dalaga.

"uhm, kla ko d k pumasok, d2 kc me now s coffee shop sa baba ng bldg nyo" sagot ni Carina.

Hindi pa man ako nakakareply ay isang tawag na ang aking natanggap. Si Katherine ang tumawag. Nagpaalam na maglilibot sila sa mall kasama ang aking anak maging ang yaya nito at sila Regina. Pumayag naman ako at ibinilin na tawagan si Angel upang ipaalam ang kanilang plano. Sasabihin ko pa naman sana sa kanila na nasa ibaba lang si Carina at baka gusto ding sumama, pero parang ayaw ko itong sabihin.

"anong oras kayo aalis?" tanong ko kay hipag. "ah mga after one hour pa kuya" sagot niya sa akin. Pagkababa ng tawag ni Kat ay kaagad ko namang tinawagan si Carina.

Inalok ko siya kung gusto niyang sumama kila Kat, tumanggi siya at sinabing next time nalang. Hindi ko naman na inusisa kung bakit, pero hindi ko talaga mapigilan ang aking sarili pagdating kay Carina. "so ano plan mo for today?" tanong ko.

"uhm, primarily makipagkita sayo hihi! pero since pumasok ka e uuwi nalang ako siguro" sagot ni Carina.

Magaling talaga itong si Carina, kaagad akong nag-ayos ng aking gamit at naghanda nang umuwi at puntahan ang magandang kaibigan ng aking hipag. Nagpaalam ako sa aking foreman upang siya na muna ang mamahala habang wala ko, o hanggang uwian mamayang alas-singko.

"papunta nako dyan" wika ko kay Carina at mabilis akong nagtungo sa aking sasakyan.

Wala nang gaanong traffic noong oras na iyon dahil hindi naman na rush hour. Mag aalas-dos nang ako'y makarating sa aming building. Sakto namang nagtext sa akin si hipag na kaaalis lamang din nila papuntang Megamall. Aabutin ng kalahating oras papunta roon kung hindi traffic, isang oras kasama ang makokonsumo pabalik. Isama pa ang oras na maglilibot sila o kakain, sumatotal ay meron akong halos tatlong oras.

"sn ka? d2 nko parking" text ko kay Carina habang paakyat sa elevator.

"tpos nko mgkape kuya e,          sn kba?" sagot niya.

Nag-abot kami ni Carina sa lobby, hindi na ako bumaba ng elevator, pagbukas kasi nito upang kumuha ng sakay ay kaagad naman siyang pumasok dito. Hindi siya nagsasalita, alam ko ang plano ni Carina. Kunyari ay hindi kami magkakilala at nasakyan ko naman kaagad ang trip niya. Hawak niya ang cellphone niya at nagsimulang magtext. Kaagad ko namang natanggap ang kanyang mensahe at ito'y aking binasa. "una k s unit nyo, sunod me" text ni Carina.

Ibang klase talaga itong dalagang ito, kakaiba ang trip. Parang role playing sa isang porn movie. Huminto ang elevator sa 15th floor kung saan bumaba ang isang lalaki sabay namang may isang humahabol na dalaga bago sumara ang pintuan ng elevator. "going down? going down?!" sigaw nito.

Pamilyar ang boses, nang muling bumukas ang pintuan ay nakita kong si Ms. Jean pala ang nagmamadaling pumasok ngunit sumagot ang isa pang sakay na paakyat ang elevator kaya hindi na tuluyang sumakay si Ms. Jean. Kaagad naman niya akong nakita at bumati "oh hi sir Bogs!". Hindi na ako nakasagot pa at itinaas ko nalang ang aking dalawang kilay bilang pagtugon sa bati ng dalaga at tuluyan nang sumarado ang pintuan. Napansin ko namang tumaas ang isang kilay ni Carina mula sa repleksyon sa pintuan na stainless ang yari.

Sumapit ang 30th floor kung saan naroon ang aming unit. "excuse me" wika ko pa upang makiraan sa mga taong naiwan sa loob ng elevator, kasama dito si Carina. Alam kong magpapaiwan siya upang sa ibang palapag siguro bumaba at para na rin walang makahalata na pupunta siya sa amin. Sinadya ko namang isagi ang aking harapan sa kanyang tagiliran na alam kong napansin niya. Pumasok ako kaagad sa aming unit upang siguruhing wala na talaga at nakaalis na sila Kat.

Kapag nagkataon ay ito ang muli naming pagtatalik ni Carina dito sa loob ng aming condo. Dati rati kasi ay sa motel kami nagpupunta upang maglabas ng init ng aming katawan, minsan naman ay sa kanilang bahay na di rin naman kalayuan dito sa amin. Matagal kong hindi nakaniig ang magandang kaibigan ng aking hipag. Halos hindi na nga kami nagkaroon ng anumang komunikasyon mula noong nagseryoso na siya sa kanyang boyfriend noon na si RC. Ilang saglit pa ay tumunog na ang aming doorbell, mabilis pa sa kidlat ng Mayo ay tumungo ako sa pintuan upang buksan ito.

"hi sir! hihi!" bati ng dalaga sa pintuan.

Nadismaya ako sa aking nakita, si Ms. Jean ang kumatok at tila may gusto ring mangyari. "wala ka yata kasama?" wika nito at pasilip-silip pa sa loob ng aming unit mula sa pintuan.

Nayari na. Ito ang aking naisip nang sa halip na si Carina ang kumatok ay naging si Ms. Jean ito. Ayos lang sana kung hindi ko katagpo si Carina, laman tyan din naman si Jean. Ngunit ang aking ari ay inaasahan ang malambot at maputing katawan ni Carina, maging ang kanyang mga dede na kanina ko pa ini-imagine. Nagpalusot na lamang ako at sinabing may kinuha lang ako at babalik din sa aking project site.

Mapilit itong ahente ito, tigang siguro. "pasabay naman sir Bogs, tapos naman na yung meeting ko kanina e" sagot pa niya.

Hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin, wala yatang palusot ang uubra kay Jean. Ilang saglit pa ay tumunog muli ang aking cellphone, text galing kay Carina.

"luks lyk busy ka kuya" text ng dalaga.

Gusto ko nang diretsuhin si Jean na kaylangan na niyang umalis dahil kakantutin ko pa si Carina. Sinubukan kong magpalusot muli. "ayan nagtext na, hinahanap na ako, sorry pero hindi ka pwede sumama doon Jean, maybe next time, i'll text you ok?" paliwanag ko. Sa pagkakataong iyon ay pumayag naman na si Jean. Bwisit na babaeng to, kapag ayoko ng adobo ayoko. Hindi pwedeng pareho ang ulam araw-araw. Gusto ko yung "bihira" ko makain. Kunyari ay ini-lock ko na ang aming unit at akmang sasakay na sa elevator, habang hinihintay ito ay nagpalusot akong muli.

"mauna kana Jean, yung susi ng kotse naiwan ko" wika ko at tiyempo namang bumukas na ang pintuan ng elevator dahilan upang mapilitan ang dalaga na sumakay na at hindi na ako hintayin. Nakahinga ako ng maluwag at kaagad kong tinawagan si Carina. "Carina nasan kana?" wika ko.

"dito sa fire exit! haha" sigaw pa niya.

Mabuti nalang at hindi maiksi ang pasenya ng dalaga. Gaya ng usapan, nauna akong pumasok muli sa aming unit at susunod siya. Sa pagkakataong ito ay sinilip ko muna sa judas' hole kung sino ang nagdo-doorbell para sigurado. Mula sa silipan ay kita ko ang maputing mukha ni Carina. Kaagad kong binuksan ang pintuan at pinapasok ang dalaga.

"so...who's the girl?" tanong kaagad ni Carina.

"who?" sagot ko naman.


itutuloy

No comments:

Post a Comment