Tagalog Sex Stories - "HOTEL" Part 45

Part 45 Gabi ng Lagim

Tila yata sinusubukan ni Angel ang aking lakas, lakas na pisikal at lakas na emosyonal. Hindi ako maaaring tumanggi sa hiling o utos ng aking asawa na lumabas pa kami noong gabing iyon. Paano ba naman akong tatanggi, ibinigay na niya ang lahat sa akin, ang lahat na laman ng aking garapon ng pantasya. Malugod akong pinayagang makatikim pang muli ng ibang babae sa kanyang harapan mismo. Sinabi niyang ubusin na namin ang tequila, pagkatapos ay iinom kami ng ilang beer sa labas upang pang "hugas". Mag-aalas nuwebe pa lang at mababaw pa ang gabi para sa isang gimik na inuman. Nagkasundo naman kami na hindi naman namin itataob ang isang case ng beer, mga ilang bote lang at saka babalik na din kami dito sa hotel.


"Carina hindi ka ba magpapalit ng damit? maginaw na sa labas" paalala pa ni Angel sa kaibigan ng kanyang kapatid.

"ok na siguro ito ate, hiram nalang ako kay Kat ng jacket" sagot naman ng dalaga.

Tila walang epekto sa kababaihan kong kasama ang isang litrong alak na aming ininom, marahil ay dahil pinagpawisan din kami kanina sa aming pagtatalik ay hindi ganoon tumaas ang tama. Ilang minuto matapos ang huling tagay ay nagsimula nang mag-ayos ang mga babaeng kasama ko. Nagbihis ng ibang damit, nag-ayos ng buhok, nagpabango ng malupit. Tila nasa paraiso ako habang pinagmamasdan ko sa loob ng silid ang tatlo. Mga anghel na hindi ko inaasahang matitikman kong lahat, walang galit, walang selos, legal ang lahat.

"kuya kaya mo pa ba mag drive? napagod ka ba namin? hihi" biro pa nitong si Carina.

"ah oo naman" sagot ko sa kanya.

"let's go girls? babe lika nah?" wika ng aking asawa.

Kinakabahan man, wala naman akong magagawa. Kahit na may takot pa rin sa aking puso na baka magtagpo na naman ang aming landas ng aking lumang kaibigan. Hindi naman weekends noon, kaya malamang ay bilang na bilang lamang ang mga tao sa mga lugar ng inuman. Hindi ko naman kasi maisantabi ang pagkahayok din ng aking kumpare sa alak, na kahit anong araw at lugar ay kung gugustuhin niya ay gagawin niya. Muli, gaya ng sabi ng iba, bahala na si Batman.

Ipinakita naman din ng aking mahal na asawa ang kanyang "authority" na angat sa dalawa. Dati na namin itong rule noong si Katherine pa lang na aking hipag ang ipinapatikim niya. Hindi dapat ipakita sa madla na mayroon kaming lihim na relasyon ng isa man sa kanila, tanging ang aking asawa lang ang may-ari sa akin kapag may ibang matang nakamasid. Magkahawak kami ng kamay ng aking misis habang naglalakad sa hallway ng hotel. Ang dalawang dalaga naman ay ang nauuna sa paglalakad. Yumapos sa aking braso si Angel paglabas namin ng hotel patungong parking area.

"ang sweet nyo talaga ate, sana makatagpo din ako ng kagaya ni kuya Bogs" wika ni Carina.

Sa loob ng sasakyan ay maingay pa rin ang dalawa, sa likurang upuan ay parang mga batang sabik magpunta sa palaruan. Ganun din naman ang aking asawa na hindi na iba sa kanila, kahit na ilang taon ang agwat ng aking asawa ay parang magkaka-batch lang sila. Hindi naman na nila binuksan ang anumang tungkol sa pagtatalik namin kanina, casual na usapan lamang tungkol sa ibang bagay ang kanilang paksa. Hindi kalayuan ang aming tinutuluyang hotel sa lugar kung saan dikit-dikit ang mga kainan, ang mga inuman at kapihan. Matapos makapag-desisyon ang mga babae kong kasama ay saka ako pumarada.

Para akong naka-droga, alisto ang aking mga mata, palinga-linga at iniisa-isa ang mga madla. Napansin ito ng aking asawa, hindi ko naman kasi makaila ang takot sa aking isipan.

"babe Bogs ok ka lang ba?" tanong ng aking asawa.

Ngumiti lang ako at humalik sa noo ng aking asawa habang yakap ko siya papunta sa isang resto-bar. Dito ang pinili nila, nagutom din daw kasi ang mga dalaga at gustong kumain pa muna bago uminom muli ng beer na pampatulog. Isinantabi ko na din ang aking mga pangamba, umorder ako ng crispy pata para doon ko na muna ibuhos ang aking mga kaba. Nagutom din naman kasi ako dahil sa pagod na kanilang kinuha mula sa aking katawan. Masaya kaming nagkainan, nagkwentuhan at nagtawanan. Isang masayang grupo kami na kung hindi ka sanay sa ingay ay talagang mapapatingin ka.

Kalahating oras ang lumipas at nabusog na ang lahat, ako na mismo ang nag-suggest na umorder na kami ng beer para hindi na kami gabihin at gusto ko na ring magpahinga. Sumang-ayon naman ang mga dalaga maging ang aking asawa at kasabay nito na mag-ccr daw muna. Naiwan kaming mag-asawa sa aming pwesto at tinawag ko naman ang waiter upang umorder ng isang pitcher ng beer.

"babes ok ba ang bakasyon natin? hihi! gift ko sa iyo yun, advance anniversary gift ko" wikang malambing ng aking asawa.

"thanks babes! ano naman kaya gift ko sa iyo? wala ako maisip na gusto mo" sagot ko naman.

"ah don't mind it, basta alam kong masaya ka ok na sa akin babe" sagot niyang muli.

"sige hayaan mo babawi ako sayo, susurpresahin kita babe" pahabol ko pa.

"babe ok ka lang ba talaga? alam mo kaninang tanghali napansin ko na parang aligaga ka, di mapakali" tanong muli ng aking asawa.

Siguro ay ito na ang pagkakataong aking hinihintay, ang mabunot ang tinik na nakatusok sa aking puso at isipan. Sa mga kabaitang ipinakita at ibinigay sa akin ng aking mahal na asawa ay sapat na dahilan na upang malaman niya ang aking nakaraan. Noong kami ay nagkakilala sa chat at noong unang taon ng aming pagsasama bilang magkasintahan ay alam naman na niya ang aking background. Kilala niya ang mga babaeng dumaan sa aking buhay, maging si Sam na dati kong kasamahan sa trabaho ay na-meet din niya. Pero ang buong pagkatao ng aking kaibigang si Estong ay hindi pa. Isinalaysay ko sa aking asawa ang pagkatao ni pareng Estong, kung paano niya ako hinubog, kung paano niya ako kinalinga noong bago pa lang ako sa Maynila. Ngunit syempre hindi ko na sinabi ang mga "sikreto" naming magkaibigan, baka kasi ito ay makasama pa sa aming pagsasamang mag-asawa.

"babes talaga, parang napaka-gwapo naman ng kaibigan mong yun para ibaba ko ang panty ko haha!" biro pa ng aking asawa.

"…hayaan mo if ever magkita ulit kayo ako na ang bahala babes ko" paniniguro sa akin ni misis.

Lumiwanag ang aking paligid, sa mga salitang binitiwan ng aking asawa ay sapat na upang lisanin ko na ang pangamba. Kilala ko si Angel, kahit na ako lang ang tanging lalaking kanyang natikman ay hindi sa hinagap na nangarap siyang makatikim pa ng iba. Gaya ng aking natandaan, ang tanging pantasya lamang niya siguro ay ang makita ako na kanyang asawa na may naka-ibabaw na ibang babae - na tinupad lamang namin kanina. Naputol ang aming usapan nang bumalik na ang dalawang dalaga naming kasama. Sakto ding inihain ng waiter ang aming beer na iinumin para tapusin ang gabing malamig. Si misis na daw ang bahalang mag-babala sa dalawa kung sakali mang dumating ang presensya ni pareng Estong.

"oh girls tagay na ulit haha!" masayang wika ng aking asawa.

"friend diba yun yung nakita natin sa veranda kanina?" tanong ng aking hipag kay Carina.

"hayaan mo nga yung jologs na yun haha!" birong sagot ng dalaga.

Habang sinasalinan ko ang aming mga baso ng beer ay muli akong napaisip. Sino ba talaga yung nakita nila? Kailangan ko na yatang bakuran maging si Carina para hindi mapasakamay ng aking kinatatakutan. Alam kong hindi ko pananagutan si Carina, tanging ang aking asawa lang talaga ang aking pananagutan, at maging ang kapatid niya. Subalit ang aming nakaraan ng dalaga at maging ang nangyari sa kanina ay dahilan upang siya ay aking proteksyunan. Ganunpaman, hindi ko maaaring gawing permanente ang lahat, hindi ko pag-aari si Carina, o maging si hipag. May kalayaan pa rin silang makatagpo ng kanilang tadhana.

"Carina, why not mag check-out kana bukas sa hotel mo? then join us instead sa remaining days natin dito?" wika ng aking asawa.

"really ate? hihi! so it means I can have kuya again tomorrow? haha!" sagot ng dalaga.

Nagtawanan ang mga babae kong kasama, lumuwag naman ang aking pag-hinga nang pumayag si Carina. Hindi lang dahil sa muli ko silang matitikmang tatlo, kundi kahit paano'y mababantayan ko ang dalagang maganda. Hindi rin naman pumayag ang aking asawa sa ganitong set-up, ang pagiging bulgar ni Carina. Kaya't madali niyang sinuway ang pagiging "exposed" ni Carina tungkol sa aming relasyon na kaagad naman niyang sinang-ayunan at humingi ng pasensya. Hindi naman ito naging dahilan upang magkaroon ng gap sa mga babae kong kasama, muli silang nagbiruan at iniba na din ang usapan.

Tumagal din halos ng isang oras pa ang aming inuman, sa huling patak ng alak mula sa pitsel ay halos madami na din kaming napag-usapan at napagkasunduan. Naroong bantayan daw ako ng dalawang dalaga kapag wala ang aking asawa, naging istrikto pa yata si Angel sa akin. Pero kung aking susumahin ay tama nga naman siya, hindi lang si hipag kundi pati ang kanyang kaibigan ay pinayagan na niya, ano pa ba ang hahanapin ko?

"architect Bogs!" sigaw ng isang lalake mula sa di kalayuan.

Tumigil muli ang aking mundo, sa tinig pa lang ng tumawag sa akin ay alam ko na kung sino. Siguro ay nasa plano na talaga ng mapaglarong tadhana ang lahat. Natigil ang masayang kwentuhan naming apat nang papalapit na tumungo sa amin ang lalaking tumawag sa aking pangalan.

"babe tawag ka oh" wika pa ni misis.

Sa pagbaling ng aking ulo upang masilayan ko kung sino ito na alam ko naman kung sino ay tinatagan ko nalang ang aking loob. Pilit kong inilagay sa aking isipan ang pangako ng aking asawa, na hindi na siya titikim pa ng iba.

"oh architect, we meet again, kumusta" wika ko kay pareng Estong.

"I'm fine, is she the lucky one?" tanong naman niya.

"ah oo, guys this is Estong, my colleague and my schoolmate way back in Baguio. this is my wife Angel, her sister Kat and our friend Carina" pakilala ko sa kanila.

Sa kabila ng takot at kaba ay nangibabaw sa akin ang pagiging isang professional, kahit na kinamayan pa niya ang aking asawa at nakipagngitian sa aking kasamang mga dalaga ay hindi ako nakadama ng anumang hinagpis o takot man lang.

"so what brings you again here pare?" tanong muli ng aking kaibigan.

"ah bakasyon lang pare, and of course yung project ko dyan sa Splendido, ikaw?" sagot ko. Nagtaka ako sa aking sarili, tila nagtuloy-tuloy ang aking mga impormasyong ibinibigay sa aking kaibigan na dating ayaw kong ipaalam ni isang detalye sa aking buhay.

"ah remember, my GF? we are having our pre-nuptial pictorial here in Tagaytay" sagot ni Estong.

"really? wow pare congrats!" wika ko naman.

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil sa balita ni pareng Estong na ikakasal na siya, o maiinis kung bakit nagpakita pa siya noong gabing iyon. Muli, hindi ko maiwasang mapansin ang malagkit na tingin niya sa aking mga kasamang dalaga. Pero tiyak kong hindi siya ang lagi nilang nakikitang lalaking tumititig sa kanila dahil kung si pareng Estong nga iyon ay tiyak na nag-react na sila.

"is he the one you are talking about babe? your old friend?" singit ng aking asawa.

"ah oo babe siya yung kasama ko dati sa Mandaluyong" sagot ko naman.

"I guess we could have some group lunch tomorrow, what do you think babe?" pahabol pa ng aking asawa.

Gustuhin ko mang tumanggi ay hindi ko na nagawa, masayang pinaunlakan ito ng aking kaibigan.

"yes that's a good idea! anyway, here's the love of my life, pare meet my fiance, Kristine" pakilala ni pareng Estong sa kanyang mapapangasawa matapos manggaling sa CR.

Ano ba itong nararamdaman ko, tila bumabalik ang dati kong alaala. Hindi ko maikakailang may kamandag pa rin talaga si pareng Estong, halatang malayo ang agwat ng kanilang edad dahil ang babaeng kasama niya ay bata pa. Hindi ko maalala noong time na iyon kung sino ang kamukhang artista ng kasama niya, basta napatitig din akong talaga. Kinamayan ko din naman ang babae, bilang pag-galang at para na rin makabawi ako sa pagkamay niya sa aking asawa kanina. Tama ako, malambot din ang kamay ng mapapangasawa niya. Hindi gaanong malinaw ang ilaw sa resto-bar na aming pinuntahan, kaya hindi ko gaanong nakilatis ang katawan ng babae.

"so paano pare, bukas nalang? lunch time?" paalam ng aking kumpare.

"oh sure pare, nice meeting you again" wika ko naman.

Hindi ko talag lubos maisip ang plano ng aking asawa, alam naman niyang ayoko na talagang maging bahagi pa ng aming buhay ang aking nakaraan. Subalit siya pa mismo ang nagpresinta na kumain kami ng sabay-sabay kinabukasan. Siguro naman ay gagabayan kami ng Maykapal upang maging panatag na ang aking buhay. Halos magkasunod kaming lumabas ng resto-bar upang tawaging tapos na ang gabi. Maraming nangyari, kaylangan ko na din magpahinga upang muling harapin ang bukas.

"babe, sorry sa ginawa ko ha? I know you don’t want to be with him, but this is the way to overcome your fear, to face it" paliwanag sa akin ng aking misis habang kami ay naglalakad patungong parking area.

"I love you babe" tanging katagang lumabas sa aking bibig saka ko inakbayan ang aking asawa.

"so ate, doon na muna ako sa hotel ko, pahatid na din ha?" wika nitong si Carina.

"oo naman, pero bukas sama ka na din sa lunch namin ha? tapos doon kana tutuloy sa amin sa gabi ok?" wika ng aking asawa.

Tahimik lang ako sa loob ng kotse at patuloy parin ang pagproseso sa aking isipan ng mga nangyari. Inihatid namin si Carina sa kanyang tinutuluyang hotel at nagpaalam na sa isa't isa. Hindi naman nakalimutang humalik sa akin ng dalaga bago bumaba ng kotse, na pinahintulutan naman din ng aking asawa.

Sa ibabaw ng malaking kama ay muli akong nagmuni-muni, habang natutulog na ang aking asawa at si Katherine. Isa itong malaking pahina ng aking buhay, na alam kong lilipas din. Itinatak ko nalang sa aking isipan na, si pareng Estong nga ang aking naging guro noong aking kabataan, siya rin ang sumira sa aking unang pag-ibig sa Kamaynilaan, ngunit kung hindi dahil doon ay hindi ko makikilala ang ngayon ay aking asawang si Angel. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko din matitikman ang kapatid ng aking asawa na si Kat, at ang masarap na katawan ni Carina. Ito na siguro ang aking lamang sa kanya, meron man siyang mapapangasawa na sing-ganda ng isang artista, kaya ba niya ang relasyong sekswal na hindi lang dalawa kundi tatlo pa na sabay-sabay ko ngayong tinatamasa?



itutuloy

No comments:

Post a Comment